DOTr Clarifies the Fact Behind PITX ‘2015 Pinirmahan, Lugi Ang Gobyerno, Oct. 2016 Sinimulan’

The Department of Transportation discussed the reality behind the controversial credit-grabbing issue of the country’s first landport, the Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

The DOTr admitted that the PITX plan did not begin during the Duterte admin because the concession agreement was sign on April 2015, under the Noynoy Aquino admin however it is also clear that the “Notice to Proceed” was just sign last October 17, 2016.






This is a specific explanation that for the past few years after the deal was signed, it took several years to proceed and apart from that, there are more issues that the DOTr addressed which could cost the taxpayer’s money.

The construction of PITX began last October 21, 2016 and then finished last April 17, 2018 (civil works). The Duterte admin created some efforts to address one of the most demanding issues regarding the construction of the project.

DOTr Secretary Arthur Tugade also found out some anomalous deals of the project according to the contract signed by the Aquino admin, the Philippine government need to pay P100 Million per year for an overall of 35 years to MWM Terminals being annual grantor’s fee.

Sec. Tugade disagreed with the agreement because the government owned the area, the private company will work the construction and they will even get the proceeds from rents however the government are going to pay to the private companies, because this was signed by the Aquino admin. The project proceeded only after certain negotiations that the government must not pay the private company but rather, they will provide a 2% share to all rented spaces.

Read the Full Post of the DOTr:

PAGLILINAW sa mga isyung ibinabato kaugnay ng PITX

Una sa lahat, batid at hindi itinatanggi ng administrasyong Duterte na hindi sa liderato nito nagsimula ang proyektong Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ang concession agreement para sa proyekto ay nilagdaan noong 24 April 2015, sa ilalim ng nakaraang administrasyon. Gayunman, malinaw ring inilabas lang ang “Notice to Proceed” para sa proyekto noong 17 October 2016, mahigit isang taon matapos malagdaan ang kasunduan. Ibig sabihin, mula nang napirmahan ang kasunduan, mahigit isang taong nakatiwangwang ang proyekto.






Ang mismong pagtatayo ng PITX ay sinimulan noong 21 October 2016, at natapos nitong 17 April 2018 (civil works).

Dinatnan ng kasalukuyang administrasyon ang proyekto na puno pa ng talahib ang pagtatayuang lugar, at wala ni isang posteng nakatayo. Mayroon ring ilang informal settlers na naglalagi sa lugar.

Hindi lang ‘yan. Nang busisiin ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang kontrata para sa proyekto, napag-alamang nakasaad dito na kailangang magbayad ang gobyerno ng PhP 100 million kada taon sa loob ng 35 taon sa MWM Terminals bilang annual grantor’s fee.

Mariin itong tinutulan ni Secretary Tugade sapagkat lugi ang gobyerno rito: gobyerno ang may-ari ng lupa, pribadong kumpanya ang magtatayo ng terminal at siyang kikita mula sa mga negosyong uupa sa pasilidad, pero gobyerno pa ang magbabayad. Ngunit ‘yan ang nakapaloob sa kasunduang nilagdaan sa ilalim ng nakaraang administrasyon.

Matapos ang matitinding negosasyon, sa huli’y pumayag ang MWM Terminals na hindi na pagbayarin ang ating gobyerno nang kabuuang halagang PhP 3.5 billion na dapat sana’y papasanin ng mga taxpayer nang 35 pang taon. Bukod diyan, bilang patunay sa kanilang pagtitiwala sa pamahalaan, pumayag pa ang MWM Terminals na ibahagi sa gobyerno ang 2% share sa kita nito mula sa mga pauupahang espasyo.

Nang maplantsa na ang mga gusot, kagyat na tinutukan ng administrasyong Duterte ang pagpapatayo ng PITX. At kahapon, pinasinayaan na ang kauna-unahang landport sa bansa.

Hindi dapat nilalagyan ng kulay ang mga proyekto ng gobyerno. Hindi dapat nagtatagisan sa pag-angkin ng mga pampublikong istruktura. Ang mga proyektong tulad ng PITX ay mula sa katas ng pinagpaguran ng mga mamamayan.

Ang PITX ay galing at para sa publiko.

#DOTrPH
#BUILDBUILDBUILD
#ComfortableLifeForAll
#RoadSectorWorks

Source: DOTr FB Page