Atty. Chong Lambasted VP Leni: ‘Noynoy Aquino Should Answer Robredo’s Inquiry About Philippine Debts’

Expert lawyer and well-known social media personality Atty. Glenn Chong burned down VP Leni Robredo for asking the Duterte admin the country’s international debt that wasdiscovered to be the results of Aquino’s spending throughout his term.

Based on Atty. Glenn Chong, VP Leni must not question the Duterte admin for the country’s debt simply because it originated from Noynoy Aquino and not from the Duterte admin.






According to the information provided by Atty. Chong which originated from the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) as well as the Bureau of Internal Revenue (BIR), throughout the year 2012 under Aquino, the Philippine international debt hit as high as $79 .949 Billion. The Aquino debt was the highest up to now in the history of the Philippines.

The country’s international debt reduced to $73 .196 Billon as of end September 2018, throughout the terms of Pres. Rody Duterte that is now getting an enormous infrastructure spending because of the Build Build Build Program.

Atty. Chong additionally exposed some discrepancies in the Aquino Admin’s Public-Private Partnership (PPP) agreements with private firms due to the so called sovereign guarantees .

Read the Full Explanations of Atty. Glenn Chong:

SI NOYNOY AQUINO ANG DAPAT MANAGOT

SA ISYU NG PAGKAKAUTANG NG PILIPINAS

Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Kawanihan ng Ingatang-Yaman, umabot sa 79.949 bilyong dolyar ang pakakautang ng Pilipinas sa mga banyagang nagpapautang o foreign debt noong 2012. Ito na ang pinakamalaking inabot ng ating foreign debt sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Panahon ito ni Noynoy Aquino.

Bumaba ito sa 73.196 bilyong dolyar as of end September 2018, panahon ni Pangulong Duterte.

Ang foreign debt ay isa lamang sa 2 bahagi ng kabuuang pampublikong pagkakautang ng Pilipinas. Ang isang bahagi nito ay ang domestic debt o mga pagkakautang mula sa loob ng ating bansa sa pamamagitan ng pag-isyu ng mga instrumento ng pagkakatuang o debt securities tulad ng Treasury Bills.






Ang Treasury Bills kalimitan ang ginagamit ng gobyerno upang makapangutang sa mga bangko sa Pilipinas para may maitustos sa mga pangangailangan nito lalong-lalo na kung may budget deficit o kakulangan ng pondong pantustos, buwan-buwan, taon-taon.

Kung ang tanong ni Leni Robredo ay kung bakit lumubo ang utang ng Pilipinas, dapat si Noynoy Aquino ang tanungin niya. Bakit? Dahil sa kanyang panahon lumubo ng husto ang foreign debt natin.

Ang foreign debt ay nakabase sa dolyar o ibang banyagang salapi na nakabase rin sa dolyar. Dahil tumaas ang halaga ng dolyar at bumaba ang halaga ng piso, kinakailangan natin ng mas maraming piso upang mabayaran ang kaparehong halaga ng ating dollar denominated foreign debt. Kung lumubo man ang ating utang ngayon, dahil ito sa foreign currency adjustments.

Maliban dito, may isa pang mahalagang bagay na dapat sagutin din ni Noynoy Aquino. Ito ay ang contingent liabilities. Sa ngayon, hindi pa ito aktuwal na pagkakautang. Maaring maging aktuwal o hindi, depende sa mga pangyayari, kaya ang tawag dito ay contingent liabilities.

Ang contingent liabilities ay mga garantiya o sovereign guarantees na ibinibigay ng gobyerno sa mga pagkakautang ng mga pribadong kompanya. Ibig sabihin, kung hindi nila mabayaran ang kanilang utang or in case of default, ang gobyerno natin ang magbabayad nito at magiging aktuwal na utang ito.

Sa panahon ni Noynoy Aquino, maraming pribadong kompanya ang nabigyan ng sovereign guarantees. Ito ang mga kompanyang sumali sa Public-Private Partnership (PPP) agreements na legacy kuno niya.

Ang mga kompanyang ito ay magtatayo ng mga imprastraktura tulad ng power plants, mga paliparan at transportation facilities, toll roads or highways, water and sewerage facilities, hospital, at iba pang mga pampublikong imprastraktura kapalit ang karapatang maningil sila ng toll fees sa publiko sa mga serbisyong ito.

Dahil hindi naman nila gagamitin ang buong puhunan nila upang maisagawa ang mga proyektong ito, uutang sila sa mga bangko. At ang ating gobyerno ang magsisilbing guarantor sa pamamagitan ng sovereign guarantees. Kaya nagiging contingent liabilities ito dahil kapag pumalpak ang mga utangero, ang gobyerno ang kanilang salvador del mundo.

Ngayon, ginagamit ito ng mga pribadong kumpanya upang maningil sa gobyerno ng bilyon-bilyong fees tuwing hindi sila pinapaboran ng kanilang hihilinging pagtaas ng mga toll fees. Halimbawa nito ay ang 3.5 bilyong piso na sinisingil ng Maynilad Water sa gobyerno sa ilalim ng sovereign guarantees na ito dahil hindi raw pumabor ang MWSS sa kanilang hiling na taasan ang presyo ng tubig. Ito ay isang halimbawa lamang ng mas marami pang kaso ng paninigil sa ilalim ng sovereign guarantees na ito.

Nagbabayad na nga tayo ng walang tigil sa mga toll o fees sa kalsada, kuryente, tubig at marami pang ibang pampublikong serbisyo, tayo pa ang mananagot kung pumalpak ang business model ng mga kompanyang ito?

Ito ang mga dapat itanong ni Leni Robredo kay Noynoy Aquino at hindi kay Rodrigo.

Source: Atty. Glenn Chong FB Page